Sunday, November 18, 2018

Pananaliksik : Paggamit ng Teknolohiya


Kabananta I
Paglalahad ng Suliranin
                               I.            Panimula
Sa panahon ngayon karapatna ng mga kabataan ang makapag aral. Kapag sila ay napagod sa kanilang pag aaral ay dalawang bagay lang ang maari nilang gawin. Una ay ang magpahiga upang makaipon silang lakas para maipagpatuloy ang kanilang pag aaral sa ibang bahagi naman ay maari naman silang gumamit ng teknolohiya para makatulong sa kanilang pag aaral. Sa katunayan malaki ang naiiambag ng teknolohiya sa ating pang araw araw na pamumuhay isa rin ito sa mga paraan kung bakitnpapadali ang pag aaral ng mga kabataan sa panahon ngayon. Marami sa mga kabataan ngayon ang sumasanguni sa teknolohiya para sa kanilang pag aaral. Sapagkat hindi lamang kaalam ang nakukuh nila mula ditto nag bibigay din ito sa kanila ng aliw. Malaki ang epekto ng teknolohiya sa pamamaraan ng buhay ng mag aaral pati rin sa kabataan sa kabuuan. Ngunit meron bang disiplina ang bawat mag aaral upang magamit sa maayos ang dala nitong dulot? Lahat ng bagay ay sumasam kapag nasosobrahan. Sa kabila ng pagbabago ng panahon at modernisasyon napakaraming mag aaral ang umaasa sa tekolohiya, di lamang sa kanilang pag aaral pati na rin sa kanilang pang araw araw na pamumuhay. Masasabi ba natin na may mabuting dulot ang teknolohiya sa kaugalian at mentalidad ng mga mag aaral? Ano ang magiging bunga ng teknolohiya sa isyu ng kanilang edukasyon, kalagayan sa lipunan? Ang pag aaral na ito ay isang diskriptibong pananaw sa kalagayan ng mga mag aaral na bahagi ng organisadong mundo. Mag aaral na kabilang sa makabagong panahon.

                            II.            Paglalahad ng suliranin
ang pananaliksik na ito ay ginawa upang masagot ang mga sumusunod

·         Ano ano ang mga teknolohiya na gamit ng mga mga mag aaral?
·         Gaano kahaba ang ginigugol nilang oras sa paggamit ng teknolohiya
·         Ano ano ang nagiging epekto ng teknolohiya sa kanilang pag aaral.

                         III.            Hinuha
·         May masama at mabuting naiidudulot ang paggamit ng teknolohiya ng mga mag aaral na nasa junior high ng SJCNHS.
·         Karamihan sa mga mag aaral sa junior high ay gumagamit ng teknolohiya para sa kanilang pag aaral.
·          Ginagamit nila ang teknolohiya para makatulong sa kanilang pag aaral
                         IV.            Layunin
Pangkalahatang layunin
Ang pag aaral na ito ay may layuning maipabatid sa mga mambabasa ang mga mabuti at di mabuting dulot ng teknlohiya sa pag aaral ng mga mag aaral na nasa junior high





Espesipikong layunin
·         Makagawa ng pag aaral tungkol sa epekto ng teknolohiya sa mag aaral na nasa junior high sa paaralan ng SJCNHS.
·         Matukoy ang paraan upang malaman o makontrol ang epekto ng teknolohiya sa mga mag aaral
·         Matukoy kung paano naaapektuhan ng teknolohiya ang mga mag aaral sa kanilang pag aaral.

                            V.            Kahalagahan ng pananaliksik

1.      Mag aaral
             Ang kahalagahan ng pananaliksik sa mga mag aaral ay para malaman nila kung malaki ba ang naitutulong ng teknolohiya sa kanilang pag aaral

2.      Guro
            Ang kahalagahan nito ay upang malaman nila kung ano ang dahilan kung bakit  nakakakuha ng mataas at mababang marka ang kanilang mga estudyante

3.      Magulang
            Ang kahalagahan nito ay para malaman kung ano ang mabuti at di mabuting  naidudulot ng teknolohiya sa pag aaral ng kanilang mga anak


                         VI.            Saklaw at Limitasyon

·         Dito mailalahad ang mga pangunahing dahilan sa pananaliksik na ito
·         Malalaman sa pananaliksik na ito ang pangunahing epekto g teknolohiya sa mga mag aaral ng junior high sa City High














Kabanata II
Mga kaugnay sa Pag aaral o Literatura
SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG AARAL
PANIMULA
            Sa panahon ngayon karapatan ng mga kabataan ang makapag aral. Kapag sila ay napagod sa kanilang pag aaral ay dalawang bagay lang ang maari nilang gawin. Una ay ang magpahiga upang makaipon silang lakas para maipagpatuloy ang kanilang pag aaral sa ibang bahagi naman ay maari naman silang gumamit ng teknolohiya para makatulong sa kanilang pag aaral.
            Ayon kay Bertilo (2011) sa kasasaysayan ng education ay malaki ang naiambag ng teknolohiya. Sa katunayan, ito ang pangnahing paraan kung bakit ang pag-aaral ay nagging madali at mabisa kung kaya naman marami  sa mga mag-aaral ngayon ang sumasangguni sa teknolohiya sa kanilang pag aaral.
            Ang teknolohiya ay nagbibigay hindi lamang ng kaalaman at libangan sa mga mag-aaral. Bukod sa personal computer, cellphone at dala nitong internet.
            Masasabi natin na napakaraming maitutulong ng teknoohiya sa ating buhay, lahat ng sector sa ating komunidad ay madama natin ang kahalagahan ng makabagong teknolohiya sa pang araw araw nating pamumuhay. Tunay nga’t nabago na ng teknolohiya ang paraan ng mga mag aaral. Ang dating imposibleng gawin ay nagagawa na dahil sa tulong ng makabagong teknolohiya.




Layunin ng pag aaral

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay makakatulong upang malaman ng bawat mag-aaral ang epekto ng madalas nilang paggamit ng teknolohiya ng dahilan ng  pagbaba ng kanilang mga marka. Nagsisilbi itong gabay upang maiwasan nila ang makakuha ng mababang marka.
           
Sinasagot ng pananaliksik na ito ang mga sumusunod na katanungan:

1.      Ano ano ang dahilan ng mga mag aaral kung bakit sila gumagamit ng teknolohiya?
2.      Sa paanong paraan makakaapekto ang paggamit nila ng teknolohiya sa kanilang pag aaral?
3.      Ano ang magiging epekto ng paggamit nila teknolohiya sa kanilang pag aaral?

Kahalagahan ng pag aaral
            Ang pananaliksik na ito ay mahalaga sapagkat ito ay magbibigay pakinabang sa mga sumusunod:
·         Sa mga mag aaral - Ito ay nakakatulong sa kanila sapagkat nakakaapekto rin sa kanila ang  madalas nilang paggamit ng teknolohiya



Saklaw at Limitasyon
            Sinasaklaw ng pananaliksik na ito, ang pagsusuri sa mga mabubuti at hindi mabuting epekto ng teknolohiya sa pag-aaral ng mga mag-aaral na nasa Junior High.

TEORETIKAL
            Ang paggamit ng teknolohiya ay nagpapaliwanag na hindi lahat ng mga mag-aaral na gumagamit ng teknolohiya ay maaring makapasa dahil may hindi mabutng dulot ang teknolohiya sa kanilang pag-aaral  Ipapaliwag dito ang positibo at negatibong epekto ng  teknolohiya sa kanilang pag-aaral.











KONSEPTWAL

EPEKTO NG TEKNOLOHIYA



URI NG TEKNOLOHIYA
NEGATIBO
POSITIBO

cellphone
tablet

Computer
laptop

Nagkakaroon sila ng mababang marka




Tumataas ang marka ng mga mag-aaral
Napapabayaan nila ang kanilang pag aaral


Nakakatulong sa kanilang
 Pag- aaral

Nasosobrahan ang kanilang oras sa paggamit ng teknolohiya



Nagbibigay aliw sa mga mag aaral

                                                                                                                                                           
Kabanata III
Disenyo at paraan ng pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik
            Ang uri ng o disenyo ng pananaliksik na ito ay “survey” na pag raranggo dahil pinapakita dito ang maganda at hindi magandang epekto ng teknolohiya sa kanilang pag- aaral.

Respondante
            Ang mga respondante sa pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral na nasa Junior High ng San Jose City National High School, kung saan paano nakakaapekto ang makabagong tenolohiya sa kanilang pag aaral. Ang mga mananaliksik ay nagbigay ng survey sa mga mag aaral ng Junior High.

Baitang
Bilang ng mga mag aaral
Tumugon sa talatanungan
Grade 7
928
25
Grade 8
890
25
Grade 9
900
25
Grade 10
920
25




Instrumento ng Pananaliksik
            Ang instrumento na ginamit ng mga mananaliksik sa paggawa ng pag aaral ay ang “survey”. Upang ang author ng pananaliksik na ito ay makakalap at makakuha ng datos at maging impormasyon, ang kanilang ginamit ay ang paggawa ng mga “questionnaire”.

Pagsusuri ng Datos
Talatanungan ang ginanawa naming paraan sa pangngaalap at pag susuri ng mga datos. Sa pamamagitan nito ay nalaman naming ang mga mabuti at di mabuting epekto ng teknolohiya sa mga mag aaral na nasa junior high sa San Jose City National High School.












Kabanata IV
Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Mga Tanong
Lubos na sumasang ayon
 Sumasang ayon
Di sumasang ayon
Pinapadali ang pag aaal
51
38
11
Pinapabilis ang gawain
45
44
11
Mas maraming matutunan dahil sa pinapalawak nito ang pag-aaral
47
40
13
Tumataas ang nakukuhang marka sa Gawain
40
49
11
Makapagbigay aliw sa mga mag-aaral
41
50
9
Mas nagiging tamad ang mag-aaral
39
49
12
Ito ay nagiging distraksyon sa mga bagay na dapat binibigyan ng halaga
40
50
10
Nagiging paraan ng pandaraya sa pag-aaral
40
47
13
Bumababa ang grado sa pag-aaral
37
44
19
Nauubos ang oras sa pag-lalaro at pag-babasa sa social networking site
39
46
15




Table 1.A MAG-AARAL NA NASA BAITANG 7

Ipinapakita dito ang dami ng mag aaral na tumugon sa talatanungan tungkol sa mabuting epekto ng teknolohiya   na naggaling sa Baitang 7










Table 1.B MAG-AARAL NA NASA BAITANG 8

Ipinapakita dito ang dami ng mag aaral na tumugon sa talatanungan  tungkol sa mabuting epekto ng teknolohiya na naggaling sa Baitang 8










Table 1.C MAG-AARAL NA NASA BAITANG 9

Ipinapakita dito ang dami ng mag aaral na tumugon sa talatanungan tungkol sa mabuting epekto ng teknolohiya na naggaling sa Baitang 9











Table 1.D MAG-AARAL NA NASA BAITANG 10

Ipinapakita dito ang dami ng mag aaral na tumugon sa talatanungan tungkol sa mabuting epekto ng teknolohiya na naggaling sa Baitang 10














Sa pag susuri ng mabuting epekto ng teknolohiya mas marami ang bilang ng mga mag-aral na lubos na sumasang-ayon na may (44.5 %) sinundan ito ng sumasang-ayon na mayroong (44.2%) at ang pinakahuli ang lubos na sumasang-ayon na mayroong (11.3%).







Table 2.A MAG-AARAL NA NASA BAITANG 7


                Ipinapakita dito ang dami ng mag aaral na tumugon sa talatanungantungkol sa hindi-mabuting epekto ng teknolohiya na naggaling sa Baitang 7









Table 2.B MAG-AARAL NA NASA BAITANG 8


Ipinapakita dito ang dami ng mag aaral na tumugon sa talatanungan tungkol sa hindi-mabuting epekto ng teknolohiya na naggaling sa Baitang 8









Table 2.C MAG-AARAL NA NASA BAITANG 9



Ipinapakita dito ang dami ng mag aaral na tumugon sa talatanungan tungkol sa hindi-mabuting epekto ng teknolohiya na naggaling sa Baitang 9








Table 2.D MAG-AARAL NA NASA BAITANG 10

Ipinapakita dito ang dami ng mag aaral na tumugon sa talatanungan tungkol sa hindi-mabuting epekto ng teknolohiya  na naggaling sa Baitang 10













Sa pag susuri ng di mabuting epekto ng teknolohiya mas marami ang bilang ng mga mag-aaral ang sumasang-ayon na mayroong (47.2%) sinundan ito ng lubos na sumasang-ayon na mayroong (39%) at pinakahuli ay ang hindi sumasang-ayon na may (13.8%)







 Teknolohiya
Ang Teknolohiya ay isa sa pinakaimportanteng mapag-kukuhaan ng impormasyon ng mga magaaral sa panahon ngayon sa pamamagitan ng cellphone , laptop , computer , at projectors. at sa pamamagitan ng pagsearch ay makikita mo na ang hinahanap mong impormasyon hindi katulad noon na kailangan pa ng mga libro upang mahanap ang mga kailangang impormasyon. Sa madaling sabi ang teknolohiya ay nakatutulong sa atin dahil napapabilis nito ang iba’t ibang gawain ng tao sa kanilang araw-araw na pamumuhay.
Isang mahalagang bahagi ang teknolohiya upang mas maayos na maipakita ang mga aralin na itinuturo sa loob ng klase. Marami ng imbentong teknolohiya simula pa noong mga nakalipas na siglo. Halimbawa na lamang nito ay ang kompyuter kung saan ay maari kang mag suri , mag siyasat at mag saliksik ng mga bagay na ninanais mong nalaman o kinakailangan sa eskwelahan. Ngunit sa makabagong panahon ngayon , ang pinakamalawak at pangunahing instrumento na ginagamit sa edukasyon ay ang mga kompyuter na maaring maka-access ng internet. Ang Internet ay mas lalong mahalaga dahil kung walang internet ay di mo magagamit ang kahalagahan ng kaalaman o di ka makakapag siyasat ng iyong hinahanap. Mas epektibong naibabahagi ng mga estudyante ang kanilang leksyon nang dahil sa internet.
Ang simpleng prodyektor na ang ginagamit sa mga klasrum ng mga estudyante. Ito ay may kakayahan na palakihin ang mga imahe upang mas maayos na maipakita ang mga halimbawa ng mga tagapagturo. Ang kahalagahan namn ng prodyektor ay natutulungan ang mga guro na maipakita ang biswal na larawan ng kanilang itinuturo at makita ang mga halimbawa ng kanilang inaaral ng sa ganon ay madaling maiintindihan at maunawaan ang kanilang paksa?

May ibang klase rin ng teknolohiya ang ginagamit sa loob ng klase depende sa kung anong signatura o paksa ang kanilang pinag-aaralan, kagaya lamang ng kalkulator. Ang kalkulator ay bahagi din ng makabagong teknolohiya upang mapadali ang adisyon , pagbabawas , pagmumultiplikasyon , pag-hahati o sa madaling salita ay pagbibilang.
Ang lahat ng mga nabanggit na makakabagong teknolohiya ay ginawa para sa ipapadali ng buhay ng tao lalong lalo sa mga estudyante. Hindi ito ginawa para makagawa o magbunga ng kasamaan. Maaring may masamang epekto ito sa kabataan ngunit kung ang paggamit ng mga teknolohiyang ito ay may kasamang disiplina , maari itong maiwasan.Isa sa mga patok na gamit sa teknolohiya ay ang kompyuter. Marami kasing gamit ang isang kompyuter lalo na sa mga pilipinong mag-aaral ngayon. Isa sa mga gamit nito ay ang pagbibigay ng internet. Kung may internet connection maaring makagawa ang isang indibidwal ng account sa anomang social networking sites tulad ng facebook , ito ay ang mga serbisyong web-based na nagbibigay sa mga indibidwal para bumuo ng isang pangpublikong profile. Alam din nating lahat na halos lahat ng impormasyon ay nakukuha na ngayong sa internet. Bukod sa mga libro na ginagamit ng mga estudyante, dito rin sila kumukuha ng dagdag impormasyon. Sa panahon ngayon, nagkalat ang iba’t ibang makabagong teknolohiya sa ating mundong patuloy na umuunlad. Isa sa mga teknolohiyang ito ay ang kompyuter. Ang kompyuter ay isang makina na ginagamit sa paggawa ng mga kalkulasyon o mga operasyon na maaaring gawin sa pamamagitan ng mga terminong numerikal o lohikal. Ito ay nakapaghahatid ng aliw, nakakapagpabilis ng gawain at nakakapagpayaman ng buhay ng tao sa pamamagitan ng mga karagdagang programa.

Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang teknolohiya ay nakakabuti o nakakasama. Marami ang naniniwala na ang teknolohiya ay may masamang epekto sa ating lipunan, pero marami rin ang pabor sa pag-unlad ng teknolohiya dahil ito ay nagbibigay ng magandang dulot sa pamumuhay ng mga Pilipino. Ang mga pananaw na ito ay tama, subalit, kailangan nating pag-aralan ng mabuti kung ang teknolohiya nga ba ay nakakatulong o nagdudulot ng masamang epekto. Ito ay nakasalalay sa ating mga Pilipino kung paano natin ito gamitin.
Sa tanang kasaysayan ng edukasyon ay malaki na ang naiambag ng teknolohiya. Sa katunayan,ang teknolohiya ang isa sa ga pangunahing paraan kung bakit ang pag- aaral ay nagiging madali,mabilis,at mabisa. Kung kaya nama’t napakaraming mag-aaral ang sumasangguni sa teknolohiya para sa kanilang pag-aaral.
Ang teknolohiya rin ay nagbibigay hindi lamang ng kaalaman sa mga mag-aaral kundi pati na rin ang kalibangan at kaligayahan. Bukod sa telebisyon at radio,nandiyan na rin ang mga home at handheld consoles.(Hal. Play Station),Mp3 Players, ang celllphone,at siyempre ang personal computers at ang dala nitong digital miracle-ang internet.Tunay nga’t nabago ng teknolohiya ang pamamaraan ng buhay ng mga mag-aaral,o maging ng kabataan sa kabuuan. Masasabi natin na napakarai ng naitulong ng teknolohiya sa pang araw-araw na pamumuhay. Ang mga imposible dati ay kaya nang gawin ngayon. Ngunit mayroon nga bang disiplina ang bawat mag-aaral upang magamit sa ayos ang mga dala nitong dulot?Lahat ng bagay ay sumasama kapag napapasobra,at isa sa mga bagay na ito ay ang teknolohiya. Hindi mapapagkaila na napakaraming mga mag-aaral ang sumasalalay sa teknolohiya hindi lamang sa kanilang pag-aaral.


Lumipas ang maraming dekada at tuluyan nang binago ng panahon ang mundo pati na rin ang saloobin ng kaluluwa ng tao. Sadyang tayo ay walang kapagurang galugarin ang bawa’t posibilidad upang maabot ang pinakamataas na antas ng pamumuhay. Isinilang ang teknolohiya ayon sa pagkahayok natin sa pagbabago. Bagong panahon, bagong pangangailangan. Bagong lipunan, bagong pagnanasa. Walang humpay, walang pahinga sa paghahanap. Ni hindi natin itinatanong kung saan talaga tayo patutungo. Sinasabi na binabaybay na natin ang landas patungong bukas. Nguni’t kailan ang bukas? Ngayon na ba ang bukas o ito’y malayo pa?
Masusukat natin kung gaano na kalayo ang ating nilakbay kung halos limot na ang mga bagay na kinagiliwan nating gawin sa mga nakalipas na panahon. Tulad halimbawa ng paglalalaro ng bahay-bahayan kung saan minsan ka nang gumanap bilang ama o ina o anak sa larong ito. Madaling humulas ang mga alaalang ito sa ating isipan sapagka’t wala nang kabataan ngayon ang naglalaro nito. Wala na ring naglalaro ng baril-barilan na mga gawa sa puno ng saging, kotse-kotsehang may gulong na gamit ay bunga ng tabog-tabog o kaya naman ay paglalaro ng siyato na gamit ay sanga ng yakan at kawayan. Parang
kailan lang ang mga ganitong tagpo. Maaaring nangingiti ka sa pagbalik-tanaw sa mga alaalang ito.







Kabanata V
LAGOM NG NATUKLASAN, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom ng natuklasan
                Ayon san nakalap naming impormasyon natuklasan namin sa pananaliksik ang epekto ng teknolohiya sa mga mag-aaral na junior highschool ng San Jose City National High School na nakaaapekto sa kanila ang pag gamit ng mga teknolohiya meron itong mabuti at magandang epekto sa bawat mag-aaral.
                Sa kabilang dako naman ay nakakaapekto ito sa pag baba ng marka ng mga mag-aaral ng mga Junior Highschool sa San Jose City National High School














KONKLUSYON
            Sa panahon ngayon maraming kabataan ang nahuhuhmaling sa mga bagong teknolohiya, kahit na alam nila na ang iba ay hindi nakakadulot ng kabutihan na kahit ang mga magulang ay di kayang pigilan. Pangkaraniwan na makikita ang mga estudyante na gumagamit ng teknolohiya para sa kanilang pag-aaral. Pinapabilis ang teknolohiya ang nakukuhang impormasyon ng mga mag-aaral. Ang mga makabagong teknolohiya ang nagiging hadlang sa pag-aaral dahil ito ang nagiging distraksyon sa kanilang pag-aaral. Naisasantabi na nila ang tunay nilang  kakayahan dahil sa sobrang paggamit nila ng teknolohiya.   










REKOMENDASYON

            Nirerekomenda ng mga mananaliksik na mangalap pa ng ibang impormasyon upang mapalawak pa ang kanilang kaalaman tungkol sa teknolohiya dahil hindi pa lubos na naiintindihan ng mga tao ang maaring maging potensyal ng teknolohiya. Kailangan ng isang malalim na pag-aaral at paghahambing ng mga pagbabago ng teknolohiya sa paglipas ng panahon, magmula rito ay maaring makita kung saan ang kailangang pagtuunan ng pansin. Dapat pahalagahan ng mga kabataan ang mga tuntunin sa paggamit ng teknolohiy, gamitin nila ito sa tamang paraan hindi sa kalokohan lamang.


Iba pang mga research click the link below;
http://DoWeeklyWork.com/?userid=256994













SANGGUNIAN





15 comments: